PBBM, pangungunahan ang Change of Command ng Philippine Army ngayong umaga

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Change of Command ng Philippine Army at retirement ceremony ni Galido sa Fort Bonifacio, Taguig ngayong umaga.

Kaugnay nito, nakatakda ring magtalaga si Pangulong Marcos ng bagong pinuno ng hukbong militar, kasunod ng pagreretiro ni Galido ngayong araw.

May mga lumutang nang pangalan ng papalit kay Galido, pero tumanggi ang Malacañang, maging ang tagapagsalita ng Philippine Army na si Colonel Louie Dema-ala, na kumpirmahin ang report.

Dalawang taong pinamunuan ni Galido ang Hukbong Katihan, matapos italaga noong Hulyo 2023, kapalit ng ngayo’y Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na si General Romeo Brawner, Jr.

Si Galido ay ika-66 na Commanding General ng Philippine Army, at graduate ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990, na siya ring pinanggalingan ng kasalukuyang Philippine Air Force Chief na si Lieutenant General Arthur Cordura.

Facebook Comments