Thursday, February 26, 2026

PBBM, pangungunahan ang inagurasyon ng disaster hub sa Cebu

Biyaheng Cebu ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang magkasunod na aktibidad.

Pupuntahan ng Pangulo ang Pag-abot Processing Center sa Sitio Kawayanan, Barangay Tayud, Liloan, na isang pasilidad na tumutugon sa mga mahihirap at vulnerable na sektor.

Sa ilalim ng programang ito, maaaring makakuha ng medical, burial, transportation at food assistance, pati na rin iba pang emergency relief ang mga nangangailangan.

Matapos nito, tutungo ang Pangulo sa Barangay Tingub, Mandaue City para pangunahan ang inagurasyon ng Visayas Disaster Resource Center.

Ang naturang pasilidad ay magsisilbing disaster response hub na pinatatakbo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Facebook Comments