
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng isang pre-cast technology plant sa Taytay.
Ang naturang pasilidad ay gumagawa ng mga structural precast components tulad ng haligi, beam o biga, slab, at pader na unang ginagawa sa pabrika bago dalhin at ikabit sa mismong construction site.
Kasabay nito, pangungunahan din ng Pangulo ang pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Bahagi ng selebrasyon ang Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino milestone event, kung saan ilalatag ang mga nagawa na ng programa para sa mga pamilyang Pilipino.
Ayon sa ahensya, hindi lamang plano ang ipinapakita kundi pati aktwal na turnover ng mga housing unit sa mga benepisyaryo.
Facebook Comments










