PBBM, pangungunahan ang Metro Manila Subway Project Launching ng tunnel boring machine sa Valenzuela City ngayong umaga

Nasa lungsod ng Valenzuela si Pangulong Bongbong Marcos ngayong umaga para sa Metro Manila Subway Project Launching ng tunnel boring machine.

Alas-9:00 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ng pangulo sa gagawing pagbababa ng tunnel boring machine sa Valenzuela na dito ay makakasama ng pangulo si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at mga lokal na opisyal ng lungsod.

Sa Valenzuela ay magsisimula ang una sa 17 istasyon ng Metro Manila Subway Project at magtatapos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.


May habang 33 kilometro ang proyekto na inaasahang magiging partially operational sa 2025 at fully operational naman ng 2027.

Makakasama rin ng pangulo mamaya sa Ugong, Valenzuela ang kinatawan mula sa Japan International Cooperation Agency o JICA na si Sakamoto Takema, chief representative ng JICA habang inaasahang present din ang Minister and Deputy Chief of Mission Embassy of Japan in the Philippines na si Matsuda Kenichi.

Kapag nagsimulang mag-operate, nasa 35 minuto lang ang travel time mula Quezon City hanggang NAIA 3.

Facebook Comments