Inaasahan ang pagdating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay.
Ito’y para pangunahan ang pagdiriwang ng National Science and Technology Week na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan” na magsisimula ng alas-9:30 ng umaga.
Bahagi naman ng gagawing pagdiriwang ay ang pagbibigay ng gawad ng Outstanding Research and Development Award for Basic Research for Applied Research at Outstanding Science Administrator Award sa ilang mga natatanging kawani ng Department of Science and Technology (DOST).
Ito ay sasaksihan ni Pangulong Marcos at makakasama ng presidente sa seremonya si DOST Secretary Renato Solidum.
Maliban sa nasabing aktibidad ngayong umaga ay wala pa namang abiso sa iba pang presidential activities ng punong ehekutibo para sa araw na ito.