PBBM, pangungunahan ang paggunita sa 125th independence day

Dadalo si Pangung Ferdinand Marcos Jr., sa mga aktibidad kaugnay ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.

Batay sa abiso ng Malacañang, magiging bahagi ang Pangulo ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas at wreath-laying ceremony sa bantayog ni Jose Rizal sa Rizal Park sa Maynila.

Kasunod nito ay sasaksihan ni Pangulong Marcos ang Araw ng Kalayaan Grand Parade sa Quirino Grandstand.


Mag-uumpisa ang event ng alas-8 ngayong umaga.

Alas-5 naman ng hapon mamaya gaganapin naman ang 2023 Independence Day Vin D’ Honneur sa Malacañang para sa mga foreign diplomat.

Matatandaang iniutos ng Presidente ang paglikha ng inter-agency task force para sa paghahanda sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan.

Facebook Comments