PBBM, pangungunahan ang panunumpa ng mga opisyal ng ilang media organization ngayong araw; big bosses ng RMN, manunumpa rin bilang mga opisyal ng KBP

50th anniversary of the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at the Manila Polo Club in Makati City. (April 27, 2023)

Manunumpa ngayong araw kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng National Press Club of the Philippines, Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas, Malacañang Press Corps, Presidential Journalists Association, at Malacañang Cameramen Association.

Alas-2:00 ng hapon magsisimula ang oath taking ceremony ng mga media organization sa Heroes’ Hall, Malacañang Palace.

Dadalo sa oath taking ang isa sa mga miyembro ng Board of Directors ng Radio Mindanao Network na si Mr. Butch Canoy, bilang Vice Chairman ng KBP Board of Trustees.


Gayundin, ang Executive Vice President at Chief Operating Officer ng RMN at Vice President at stockholder ng Interactive Broadcast Media na nag-ooperate sa DWWW 774, na si Mr. Enrico Canoy bilang Deputy Chairman ng KBP Standards Authority.

Si Mr. Rico Canoy ay may malawak na karanasan sa broadcast media management kung saan naging station manager siya ng DWWW 774 at kasalukuyan ding Officer-in-Charge ng DZXL News.

Samantala, manunumpa rin ang DWWW reporter na si Ms. Gina Mape matapos mahalal bilang No. 4 Board Director ng National Press Club.

Facebook Comments