
Bibigyang parangalan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga atletang Pilipino na lumahok sa 33rd South East Asian (SEA) Games.
Isasagawa ang homecoming celebration alas-10 ng umaga sa Foro de Intramuros sa Maynila, bilang pagkilala at pasasalamat sa mga atletang nagbigay karangalan sa bansa sa SEA Games na ginanap noong Disyembre sa Bangkok at Chonburi, Thailand.
Sa naturang palaro, umani ang Team Philippines ng kabuuang 277 medalya kung saan 50 ginto, 77 pilak, at 154 tanso.
Makakasama ng Pangulo sa event sina Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman John Patrick Gregorio, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino.
Matapos ang programa, tutungo rin ngayong araw ang Pangulo sa Cotabato City, Maguindanao del Norte upang dumalo sa pagdiriwang ng 7th Bangsamoro Foundation Day.










