Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa sambayang Pilipino na magpapatuloy ang kanyang pagtatrabaho kahit pa naka-isolate ng limang araw dahil sa COVID-19.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office, nakasaad na ang pangulo ay pinayuhan ng kanyang mga doktor na i-observe ang limang araw na mandatory isolation period.
Sa kabila nito, nanatiling malakas ang pangulo at patuloy na gagawin ang kanyang trabaho gaya ng pagdalo sa mga scheduled meeting via teleconference.
Hinikayat naman ng pangulo ang mga Pilipino na magsagawa pa rin ng mga pag-iingat para maprotektahan ang kalusugan gaya ng pagbabakuna at pagsuot ng facemask sa mga matataong lugar.
Bago magpositibo sa COVID ang pangulo ay nanguna sa Family Day celebration ng kanyang tanggapan sa Malacañang nitong weekend.