PBBM, patuloy na hihingi ng pardon o mapababa ang parusa ni Mary Jane Veloso sa gobyerno ng Indonesia

Hindi titigil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa paghingi ng pardon o kahit man lang mapababa ang parusa ni Mary Jane Veloso na ngayon ay nanatiling nakakulong sa Indonesia matapos maging convicted sa kasong drug trafficking matapos makuhaan ng 2.6 kilos ng heroin sa Yogyakarta Indonesia noong 2010.

Ginawa nang pangulo ang pahayag sa ginanap na Press Conference sa Indonesia.

Ayon sa pangulo, kapag may pagkakataong makausap nito si Indonesian President Joko Widodo ay muli siyang hihiling na mabigyan ng pardon o mapababa ang parusa ni Veloso.


Pero sa mga nakaraang pakiusap aniya ng gobyerno kay President Widodo ang palaging sinasabi ay may sariling batas ang Indonesia na dapat ipatupad sa mga napapatunayang nagkasala.

Ngunit ayon sa pangulo hindi siya titigil sa gagawing pakiusap.

Matatandang September 2022 nang unang humiling ng executive clemency si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para kay Veloso.

Facebook Comments