
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DILG at PNP na tiyaking mahigpit ang seguridad at ipatupad ang maximum tolerance sa peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC).
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, naka-monitor ang Pangulo sa sitwasyon at malinaw ang direktiba nito na siguraduhing ligtas ang publiko habang nagpapatuloy ang pagtitipon.
Dagdag ni Castro, wala umanong tensyon sa pagitan ng INC at Malacañang.
Suportado pa nga raw ng INC ang kampanya ng administrasyon na panagutin ang mga sangkot sa umano’y anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects.
Tiniyak ng Malacañang na tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa mga isyung ito upang mapanatili ang tiwala ng publiko.
Facebook Comments









