PBBM, patungong Dumaguete bukas para dumalaw sa burol ng pinatay na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo

Personal na makikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pamilya ng napatay na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa abiso ng Presidential Communications Office, bibisita ang pangulo sa burol ni Degamo.

Lilipad ng Dumaguete City si Pangulong Marcos at inaasahang darating ito doon bandang alas-5:30 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.


Una nang kinondena ng pangulo ang nangyaring pagpatay sa gobernador kung saan nadamay ang limang iba pa.

Naniniwala ang presidente na may kinalaman sa politika ang nangyaring krimen.

Siniguro ng pangulo na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para mapanagot ang mga salarin at mabigyang hustisya ang sinapit ng gobernador.

Facebook Comments