PBBM: Pilipinas, handang magsampa ng kaso laban sa China kaugnay sa umano’y paggamit ng cyanide sa WPS

Handang magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa umano’y paggamit ng cyanide ng mga mangingisdang Chinese sa Bajo de Masinloc kung makakakuha ng sapat na ebidensiya ang bansa.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, iniulat na sa kaniya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tungkol dito.

Bagama’t batid daw ng pangulo na matagal nang ginagawa ang cyanide fishing sa West Philippine Sea, ay nakakaalarma na mas nagigiging laganap at tila pang karaniwan na lamang itong ginagawa ngayon.


Kaya naman hindi aniya mag-aatubili ang pamahalaan na magsampa ng kaso sa oras na makakalap sila ng sapat na ebidensiya.

Facebook Comments