PBBM: Pilipinas, hindi maaaring magbulag-bulagan sa kasalukuyang sitwasyon sa WPS 

Hindi maaaring magsawalang kibo o magbulag-bulagan ang Pilipinas sa kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa courtesy call ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya sa Palasyo ng Malacañang.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi niya hahayaan na piringan ng mata at magpanggap na walang nangyari.


Bagama’t nais aniya nitong isulong ang kapayapaan sa rehiyon ay kailangang matugunan din ang aktuwal na sitwasyon.

Ito’y para panatilihin ang West Philippine Sea bilang isang lugar na umiiral ang freedom of navigation and trade.

Dagdag pa ng pangulo na pagdating sa foreign policy, ay mahalagang pag-aralan ang geopolitics na siyang pinakamahalagang bagay upang mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na pinagsisikapan ng Pilipinas na maghanap ng peaceful resolution hinggil sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo.

Facebook Comments