Thursday, February 26, 2026

PBBM, pinaaksyunan ang isyu ng port congestion

Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensya ang isyu ng port congestion.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakipag-ugnayan na ang Palasyo sa Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng sitwasyon sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal o MICT.

Paliwanag ng BOC, karaniwang sumisikip ang mga pantalan tuwing weekend, pero bumabalik sa normal ang galaw ng mga container kapag weekdays.

Dagdag pa ng ahensya, nananatiling mababa sa 90 percent ang yard utilization level sa mga pantalan sa bansa.

Ibig sabihin, may sapat pang espasyo at kakayahan ang mga port operator para ipagpatuloy ang paglipat at pagproseso ng mga kargamento.

Sa ngayon, wala pang nakikitang agarang banta ng paghinto sa operasyon.

Naka-activate na rin ang crisis management protocols sakaling umabot sa critical level ang utilization rate.

Facebook Comments