Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na baguhin ang mga regulasyong ipinatutupad sa bansa partikular sa hanay ng mga foreign investor.
Kailangan na aniya itong resolbahin at isa-isang ilista ang mga panuntunang na dapat na tanggalin para hindi magsilbing sagabal sa pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa.
Ayon sa pangulo dapat na itong madaliin at hindi uubrang pagtagalin pa ang gagawing pagbusisi sa mga rules and regulation na maaaring makapigil sa mga dayuhang negosyante para ilagak ang kanilang investment sa Pilipinas.
Hanggat nasa isipan pa aniya ng mga negosyante ang Pilipinas para ibuhos ang kanilang puhunan ay kailangang samantalahin ito ng gobyerno at gawin ang kailangang pagbabago para maging investor – friendly ang bansa.
Binigyang-diin pa ng chief executive na hindi dapat masayang ang pagkakataon at oportunidad na nakuha ng bansa sa kanyang mga opisyal na pagbiyahe sa ibang banda kung saan ay maraming kasunduan, commitment at letters of intent ang napirmahan.