Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang patuloy na surveillance o pagbabantay sa mga lugar at indibidwal na pinakamadaling tamaan ng monkeypox o mpox.
Sa pulong sa Malacañang kasama ang Department of Health (DOH), pinababantayan din ng pangulo maging ang mga indibidwal na gumaling na sa mpox.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa na ang mga immunocompromised o ang may mahihinang immune system ang pinakananganganib sa mpox.
Sa kabila nito, iginiit ng kalihim na hindi pa kailangang magdeklara ng public emergency dahil kakaunti pa lamang ang kaso ng mpox at mababa rin ang fatality rate o tyansa ng pagkamatay dahil dito.
Tiniyak din ng kalihim sa pangulo na handa ang mga DOH hospitals na tugunan at i-manage ang mga maitatalang kaso ng mpox.
Facebook Comments