Inutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Energy Regulatory Commission (ERC) na bilisan ang pagkumpleto sa rate reset review para sa system operator ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ito ay kasunod ng nararanasang malawakang blackout sa Western Visayas simula pa noong January 2.
Ayon pa sa pangulo, noong August 2023 nangako ang NGCP na kukumpletuhin ang Mindanao-Visayas at Panay-Negros-Cebu interconnections pero hindi ito nangyari.
Kaya naman utos ng presidente sa NGCP na dapat ay patuloy na sumunod sa statutory at regulatory obligations.
Umaasa ang pangulo na makukumpleto ang pangakong ito ng NGCP ngayong Enero.
Naniniwala ang pangulo na ang matagal na malawakang blackout sa Western Visayas ay nagdudulot ng hirap sa mga residente lalo na sa negosyo, kabuhayan at mga nangangailangan ng healthcare.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nakaranas nang matagal at malawakang black out sa Panay Island na sakop ng Western Visayas.
Panawagan ng pangulo sa NGCP na maging proactive para sa maayos na distribution utilities at mas maging cooperative upang mas maging maayos amg pamamahala sa mga loads at maiwasan ang pagcollapse ng system.
Sa huli, pagtitiyak ng pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maresolba ang problemang ito sa kuryente upang hindi na maulit pa sa mga susunod na panahon.