PBBM, pinabulaanan ang akusasyon ng pagkikipagsabwatan sa US para ipaligpit si Quiboloy

Tinawanan lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang akusasyon ni Pastor Apollo Quiboloy na nakipagsabwatan siya sa US para ipaligpit ito.

Ayon kay Pangulong Marcos, walang gustong pumatay o magpapatay kay Quiboloy.

Hinimok din ng pangulo ang Pastor na harapin na lamang nito ang mga paratang sa kaniya dahil mayroon naman aniya siyang pagkakataon na sabihin ang kaniyang panig sa Kongreso.


Matatandaang tahasang pinangalanan ni Quiboloy sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Marcos at ang gobyerno ng United States na nagkasundo umano upang ipahuli at ipaligpit siya kaya siya nagtatago.

Facebook Comments