PBBM, pinag-aaralan pa rin ang hiling ng Estados Unidos na maging transit area ang Pilipinas para sa Afghan nationals

Walang timeline ang gobyerno kaugnay sa hiling ng Estados Unidos na pansamantalang pagkupkop o pagiging transition area ng Pilipinas para sa Afghan nationals.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hingan ng update kaugnay sa hiling na ito ng US.

Ayon sa presidente, pinag-aaralan pa rin ng pamahalaan ang usaping ito at nakikipag-ugnayan pa rin aniya sila sa Estados Unidos para dito.


Ayon sa pangulo, kilala ang mga Pilipino sa pagiging hospitable.

Pero, iba aniya ang usaping sa Afghan nationals, dahil mayroon itong halong politika at seguridad ng bansa, kaya’t kailangan munang maplantsa ang usaping posibleng kaharapin ng bansa, sakaling pagbigyan ang hiling na ito.

Facebook Comments