Kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM), ang pagpapatupad ng pre-shipment inspection sa mga agricultural products upang labanan ang smuggling sa bansa.
Sa ilalim nito, bago pa isakay ang produkto sa barko sa point of origin ay susuriin na nila ito upang matiyak ang tamang timbang, kalidad at nasa talaan ng pinanggalingan ang ipapadalang produkto.
Ayon kay Marcos, sasagutin ng Malakanyang ang agricultural invoices para mapabilis ang proseso sa pagdating ng produkto.
Bago nito, magsasagawa muna ang pamahalaan ng cost analysis upang matiyak na walang dagdag na pasanin ang ipapataw sa mga consumer.
Inatasan naman ng pangulo ang Department of Finance at Department of Agriculture upang pag-aralan ang panukala at bumuo ng mekanismo sa pagpapatupad nito.