Thursday, February 12, 2026

PBBM, pinag-aaralan pa ang alok ni Trump na sumali sa “Board of Peace”

Wala pang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa imbitasyon ni US President Donald Trump na maging bahagi ng bagong inisyatibong “Board of Peace.”

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, masusing pinag-aaralan pa ng pangulo ang naturang alok.

Magbibigay nalamang aniya ng abiso ang Malacañang kapag may malinaw na pasya na pangulo.

Ang Board of Peace ay isang international advisory body na layong isulong ang diplomasya at mapayapang resolusyon ng mga sigalot sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular sa Gaza strip.

Tiniyak ng Malacañang na anumang hakbang ng pangulo ay dadaan sa masusing konsultasyon at nakatuon sa pambansang interes at umiiral na patakarang panlabas ng Pilipinas.

Facebook Comments