Kinalampag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Pangulong Bongbong Marcos Jr., na magtalaga na rin ng kalihim sa Department of Agriculture (DA).
Ito ang giit ni Pimentel makaraang magtalaga na rin ang Pangulo ng mga Secretaries sa Department of Health (DOH) at Department of National Defense (DND).
Ayon kay Pimentel, dapat ay pamilyar sa mga usaping may kaugnayan sa agrikultura ang itatalaga para mamuno sa DA para maging dagdag na tulong sa administrasyong Marcos.
Naniniwala si Pimentel na kailangan ng magkaroon ng permanenteng agriculture secretary para matutukan ang maraming isyung pang agrikultura.
Hanggang sa kasalukuyan ay si Pangulong Marcos Jr., pa rin ang umaakto bilang DA Secretary at tanging ang ahensyang ito na lang ang walang permanenteng kalihim ngayon.