
Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sarili bilang pinakamasuwerteng tao dahil lumaki siya bilang anak nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon sa pangulo, ang kanyang pagkatao ay nabuo ng karanasang kasama ang kanyang mga magulang dahil anuman ang hirap ng naging karanasan, mayroon siyang mga natutunan bitbit niya hanggang ngayon.
Aminado rin ang pangulo, na ayaw niya talagang pumasok sa politika noong dahil nais niya ng tahimik na buhay matapos makita ang bigat ng trabaho at sakripisyo ng kanyang mga magulang.
Gayunman, tinanggap niya na ang takbo ng buhay ay hindi laging nasusunod sa sariling plano at sa huli ay napunta siya sa mundo ng pulitika, bagay na hindi naman niya pinagsisisihan.









