PBBM, pinakikilos ang iba’t ibang ahensya para matulungan ang mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Neneng

Tiniyak ng Malacañang na tinutugunan ang pangangailangan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Neneng.

Sa isang statement pinamamadali ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa mga ahensya ng gobyerno ang road clearing operations sa 34 na kalsadang hindi madaanan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Tinatrabaho na rin anya ang pagbabalik sa supply ng kuryente sa 13 munisipalidad sa Ilocos Region at 5 lalawigan sa Cagayan Valley.


Ayon sa pangulo, tuloy-tuloy rin ang paghahatid ng pagkain sa mga pamilyang nasa 32 evacuation centers at maging sa mga apektadong komunidad.

Batay sa ulat ng NDRRMC, aabot sa higit 27 libong indibidwal ang apektado ng Bagyong Neneng sa Cagayan Valley, Ilocos Region, at sa Cordillera Administrative Region.

Facebook Comments