PBBM, pinamamadali sa DAR ang pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mamadaliin ang pamamahagi ng titulo ng lupa sa mga magsasakang benepisyaryo ng Agrarian Reform ngayong taon.

Sa cabinet meeting kahapon, inatasan ng pangulo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na bilisan na ang distribusyon ng certificates of land ownership awards (CLOAs) sa mga benepisyaryo.

Siniguro rin ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng kinakailangang suporta para matulungan ang agrarian reform beneficiaries (ARBs) na mapaganda ang kanilang pamumuhay.


Una nang inihayag ng DAR na target nitong makumpleto ang subdivision ng tinayang 34,500 collective CLOAs para sa higit 345,000 ektaryang lupa at maibigay ang 134,000 mga titulo sa mga benepisyaryo.

Hinihintay rin ng ahensya ang pag-apruba sa bersyon ng Senado ng panukalang New Agrarian Emancipation Act.

Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng condonation sa pagbabayad ng hindi nabayarang utang sa hulog at interes.

Facebook Comments