PBBM, pinangunahan ang 75th Founding Anniversary ng Philippine Air Force sa Clark Airbase sa Mabalacat City, Pampanga

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang 75th Founding Anniversary ng Philippine Air Force sa Clark Airbase sa Mabalacat City, Pampanga kahapon.

Ito ang unang opisyal na aktibidad ni Pangulong Marcos bilang commander in chief ng Armed Forces of the Philippines.

Dito, kinilala ni Marcos ang ilang opisyal, enlisted personnel, civilian human resource at iba pang unit na may katangi-tanging ambag sa pagbibigay serbisyo sa bansa.


Ibinida naman sa pangulo ang mga bagong kagamitan ng air force at ang mga programa at plano para sa pagpapatuloy ng modernisasyon ng Philippine Air Force.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pagpapalakas at modernisasyon ng Philippine Air Force lalo na sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.

Sa ngayon ay mayroong mahigit 50 aircraft asset ang air force kabilang ang fighter jets at attach helicopters.

Facebook Comments