Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na panatilihin ang idelohiya ni Lapu-Lapu na nagpakita ng katapangan sa makasaysayang Battle of Mactan.
Ito ang mensahe ng pangulo sa paggunita ng 503 taong anibersaryo ng tagumpay sa Mactan ngayong araw.
Ayon kay Pangulong Marcos, ipinakita ni Lapu-Lapu ang tapang para makamit ang kasarinlan ng bansa, na nagsilbi namang simbolo ng hindi matitinag na Pilipino sa paglipas ng taon.
Naka-ugat aniya ito sa komunidad at integridad ng mga Pilipino na kayang magpabagsak kahit ng pinakamalakas na kalaban.
Dagdag ng pangulo na mananatiling simbolo ng katapangan at karangalan si Lapu-Lapu na likas nang taglay ng bawat isang Pilipino.
Facebook Comments