Nanguna si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagpapasinaya ng National Museum of the Philippines sa Cebu ngayong hapon.
Kasama ng pangulo sa pagpapasinaya ang kanyang First Lady Liza Araneta Marcos maging sina Tourism Secretary Christina Frasco at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Cebu.
Pinangunahan ng pangulo ang ribbon cutting ceremony at paglulunsad ng museum marker.
Naglibot din si Marcos sa museo at tiningnan ang iba’t ibang koleksyon, artworks, at artifacts.
Sa talumpati ng pangulo, sinabi nitong sa pamamagitan ng pinakamalaking national museum na ito sa Visayas ay mailalapit sa mahihirap na Pilipino ang mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Sinabi pa ng pangulo na mahalaga ang museo na ito dahil nagpapakita ito ng kahulugan ng pagiging isang Pilipino.
Ang National Museum Cebu ay tatawaging Central Visayas Regional Museum na matatagpuan sa Old Customs House sa Plaza Indepencia, Cebu City.