PBBM, pinangunahan ang National Peace and Order Council Meeting sa PNP ngayong araw

 

Nagkaroon ng pulong sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ngayong umaga.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging agenda sa National Peace and Order Council Meeting (NPOC) ang patungkol sa estado ng peace and order sa bansa.

Kasama sa pulong ang matataas na opisyal ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ilang miyembro ng gabinete, at mga opisyal ng Regional Peace and Order Council (RPOC).


Dumalo rin dito ang mga pinuno ng rehiyon at lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders tulad ng mga kinatawan sa academe, religious leaders, at iba pang representante mula sa ibang sektor.

Layunin ng nasabing pagpupulong na bumuo ng mga makabago at pinagsamang estratehiya upang tugunan ang mga isyu patungkol sa kapayapaan, seguridad, at kaayusan ng bansa.

Facebook Comments