PBBM, pinangunahan ang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng ‘Mamasapano massacre’

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paggunita sa ika-9 na anibersaryo ng ‘Mamasapano massacre’ o kabayanihan ng 44 miyembro ng PNP Special Action Force, sa Camp Castañeda, Silang Cavite.

Sa kaniyang talumpati, hinimok ni Pangulong Marcos ang mga Pilipino na huwag ibaon sa limot ang kabayanihan at sakriprisyo ng Special Action Force (SAF) 44 para sa bansa.

Ang pagbuwis aniya ng buhay ng mga ito ay isang utang na hindi kayang bayaran ng bansa kahit pa sa mahabang panahon, kung kaya’t huwag sanang pababayaan ang kapayapaan na ipinaglaban ng mga ito.


Batid aniya ni PBBM, na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang pamilya ng SAF 44 kaya’t hangad nitong makabawas sa kanilang nararamdaman ang pakikiramay ng buong bansa.

Ginagawa ang Day of National Remembrance para SAF 44, tuwing January 25 taun-taon, mula nang iproklama ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 164.

Matatandaang nasawi ang 44 SAF troopers kasabay ng pagtugis nila sa teroristang sina Marwan at Basit Usman.

Facebook Comments