PBBM, pinangunahan ang paglulunsad ng NIASD

PHOTO: Rea Mamogay/DZXL 558

Sinaksihan at pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD).

Sa talumpati ng pangulo sa ginawang paglulunsad ng NIASD sa Manila Metropolitan Theater sa lungsod ng Maynila, sinabi nitong ang NIASD ay magsisilbing visionary road map ng bansa para sa innovation o magandang pagbabago sa loob ng 10 taon.

Hindi lang aniya ito plano sa halip commitment nang kanyang administrasyon para sa innovation.


Partikular na tinukoy ng pangulo ay ang innovation sa gobyerno gayundin ang pag-promote ng culture innovation para sa mga scientists, researchers, entrepreneurs, engineers, at citizens.

Makakamit din ayon sa pangulo ang pagiging truly smart at innovative ng Pilipinas sa pamamagitan ng NIASD.

Ito ay dahil magkakaroon ng pagbabago sa education curriculum design at learning platforms para mas ma-develop ang creativity, curiosity, problem solving skills, at entrepreneurial abilities ng mga Pilipino sa susunod na mga panahon.

Facebook Comments