Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gobyerno ng Japan dahil sa patuloy na suporta sa Pilipinas partikular sa disaster management at COVID-19 response.
Ginawa ng pangulo ang pasasalamat sa 25th ASEAN -Japan Summit sa Phonm Pehn, Cambodia.
Sinabi ng Pangulo na hindi pwedeng hindi niya pasalamatan ang tulong ng Japan at ang patuloy na pagprotekta sa mahigit 250,000 Pilipinong naninirahan sa Japan sa kanyang isinagawang intervention sa 25th ASEAN -Japan Summit sa Phonm Penh, Cambodia.
Ayon sa pangulo, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay nakita ang kahalagahan ng partnership dahil umaasa ang Pilipinas sa Japan’s substantial assistance to the COVID-19 ASEAN Response Fund at sa ASEAN Comprehensive Recovery Framework.
Maliban sa tulong ng Japan sa COVID-19 response ng Pilipinas, nagpapasalamat rin ang pangulo sa suporta ng ASEAN Coordination Council for Humanitarian Assistance on Disaster Management, sa pamamagitan ng Japan-ASEAN Integration Fund.
Isa sa mga highlights programs ng AHA Centre ay ang kanilang establishment sa DELSA (Disaster Emergency Logistics System for ASEAN) satellite warehouses na makikita sa Pilipinas at Thailand.
Ang mga satellite warehouses na ito kasama ang mga DELSA warehouse sa Malaysia, ay titiyak ng mas mabilis na relief assistance sa mga rehiyon sa ASEAN na apektado ng kalamidad.