
Malaki ang pasasalamat ng Malacañang sa Philippine Humanitarian Team matapos ang kanilang matagumpay na misyon sa Myanmar.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, pinarangalan ang mga ito dahil sa kanilang katapangan at pagsagupa sa kanilang misyon at obligasyon.
Sinabi ni Castro, pinaabot ng Pangulo ang kaniyang taos pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng Philippine Humanitarian team dahil talagang kapuri-puri ang kanilang ginagawa.
Matatandaang nakabalik na sa bansa ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) mula sa kanilang misyon sa Myanmar na binubuo ng 89-personnel mula sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Pinadala ang delegasyon sa Myanmar upang tumulong sa search, rescue and humanitarian mission matapos yanigin ito ng 7.7 magnitude na lindol noong March 25,2025.