PBBM, pinasalamatan si outgoing PNP Chief Azurin

Pinapurihan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kabababa lamang sa pwesto na si outgoing Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.

Sa talumpati ng pangulo sa Change of Command Ceremony at retirement honors sa Kampo Krame, sinabi nitong maraming accomplishments si Gen. Azurin sa kanyang panunungkulan.

Kabilang dito ang Kasimbayanan program kung saan katuwang ng Pambansang Pulisya ang komunidad at simbahan.


Gayundin ang paglaban sa terorismo, pagsabat ng mga loose firearms, smuggling, iligal na droga at iba pang-ilegal na aktibidad.

Ani Marcos, nawa’y hindi magsawa si Gen. Azurin sa pagsuporta sa pamahalaan kahit ito ay retirado na.

Samantala, nagbigay naman ng marching order si PBBM kay incoming PNP Chief Benjamin Acorda na paganahin ang systematic approach para makamit ang peace and order sa bansa at ipaglaban ang demokrasya.

Dapat din aniyang paglingkuran ng mga myembro ng Pambansang Pulisya ang sambayanang Filipino na may integrity, accountability and justice.

Kasunod nito, nangako ang Pangulong Marcos na susuportahan ang PNP at mga plano nito para sa ikauunlad ng organisasyon.

Facebook Comments