PBBM, pinasisiguro sa kaukulang mga ahensya na maayos na naipatutupad ang mga programa para sa mga pamilya ng mga nasawi, nasugatang uniformed personnel

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kabayanihan ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel na namatay at nasugatan sa pagtupad sa tungkulin.

Sa kanyang talumpati sa Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan na ginanap sa Davao City, sinabi ng pangulo na hindi masusuklian ang sakripisyo ng mga ito para manatiling payapa at ligtas ang mga Pilipino.

Dahil dito ayon sa Pangul, nararapat lang na maging prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng mga naulilang pamilya ng mga nasawing miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine Coast Guard (PCG).


Sa ilalim aniya ng Comprehensive Social Benefits Program, mayroong tulong-pinansyal, medikal, trabaho, pabahay at iba pang social welfare assistance na ibinibigay sa naiwang pamilya ng mga uniformed personnel na nasawi habang naglilingkod sa bayan.

Direktiba ng pangulo sa mga kaukulang mga ahensya ng pamahalaan na siguruhin ang maayos na pagpapatupad ng programa at tiyaking mabilis na makakarating ang mga benepisyo.

Tiniyak muli ng Presidente na patuloy na pagsisikapan ng gobyerno na maibigay ang kinakailangang suporta ng mga sundalo’t pulis upang mas maayos nilang magampanan ang kanilang mandato.

Facebook Comments