PBBM, pinatitiyak ang tulong sa 3 Pilipinong inaresto sa China dahil sa umano’y pang-eespisya

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tulong sa tatlong Pilipinong inaresto sa China matapos akushang bilang mga espiya.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, iniutos na ni Pangulong Marcos sa mga kaukulang ahensya na tutukan ang kaso ng mga ito at bigyan ng legal assistance.

Samantala, hindi na nagbigay ng detalye ang Palasyo tungkol sa kasalukuyang kalagyan ng tatlong Pilipino.

Ipauubaya na aniya nila sa Department of Foreign Affairs at Department of National Defense ang iba pang detalye sa sitwasyon ng mga nasabing Pilipino.

Naniniwala rin ang Palasyo na hindi “retaliation” o pagganti ang motibo ng China sa pag-aresto sa mga Pilipino, dahil patuloy pang iniimbestigahan ang insidente at wala pang mga ebidensyang makapagpapatunay na gumaganti ang Beijing.

Facebook Comments