PBBM, pinatitiyak na bababa sa 9% ang antas ng kahirapan pagsapit ng 2028

Mahigpit ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) na tiyaking bababa ang antas ng kahirapan sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NAPC Lead Convenor Secretary Lope Santos III na may utos ang pangulo na araling mabuti ang kalagayan ng kahirapan sa buong bansa.

Maging ang mga kasalukuyang programa ng gobyerno upang matiyak na makakamit ang target na mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa sa 9% pagsapit ng taong 2028 mula sa kasalukyang 18.1%.


Sinabi ni Santos, sa pamamagitan ng NAPC ay natulungan nitong mabigyan ng sapat na kakayahan ng mga pangunahing sektor sa pagbalangkas ng mga patakaran at programa ng national government at Local Government Units laban sa kahirapan.

Sa katunayan aniya noong 2018 ay napababa ng gobyerno ang poverty incidence sa 16% mula sa 23% noong 2015.

Pero dahil sa pandemya ng COVID-19 kaya muling tumaas ang antas ng kahirapan sa bansa sa 18.1% nitong nagdaang 2021.

Dahil dito, tinututukan nila ngayon ang magna carta for the poor ito ay upang masigurong may sapat na pagkain, disenteng trabaho, dekalidad na edukasyon, sapat na pabahay, access sa pinakamataas na standard ng serbisyong pangkalusugan at social protection services.

Paglilinaw naman ng opsiyal na ang pagpapatupad ng mga programang ito ay ginagawa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at ang papel ng NAPC ay manguna sa koordinasyon para magkaroon ng mataas na pagbawas ng antas ng kahirapan sa bansa.

Facebook Comments