
Pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto ang Department of Budget and Management (DBM), Office of Civil Defense (OCD), at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang pabilisin ang tulong ng gobyerno sa mga komunidad na tinamaan ng kalamidad.
Ayon kay Recto, malinaw ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat mabilis at napapanahon ang pagdating ng ayuda sa mga apektadong pamilya.
Binigyang-diin din nito ang pangangailangang pasimplehin ang proseso ng pag-apruba ng mga kahilingan ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang delay at mapabilis ang paglalabas ng tulong.
Kaugnay nito inatasan ni Recto ang mga ahensiya na tiyaking ang pondo mula sa National DRRM Fund sa ilalim ng Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program ay magsisilbing tulong, at hindi hadlang sa agarang aksyon sa mga lugar na apektado.
Nangako naman ang DBM, OCD, at DILG na magtutulungan para sa mas mabilis at maayos na pagtugon ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.










