Pinayuhan ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro si President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na piliin ang tapat at karapat-dapat sa mga itatalaga nito sa gobyerno.
Ang mensahe ni Castro ay makaraang umani ng kritisismo ang ilang appointment ni Marcos, tulad ng pagtatalaga kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Department of Health.
Giit ni Castro, ang pagtatalaga sa pamahalaan ay hindi dapat gamiting pansukli ng pangulo sa mga sumuporta sa kanya sa nakaraang eleksyon o sa kung sino ang may mga malalakas na backer.
Diin pa ni Castro, sana rin ay mahusay na sinasala ang appointees ng Malacañang at ang mga tunay na tapat sa interes ng mamamayan ang ilagay sa pwesto.