PBBM, pinulong ang kaniyang economic team ngayong umaga

Tuloy-tuloy ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon sa politika.

Ayon kay Communications Secretary Cesar Chavez, pinulong ni Pangulong Marcos ang kaniyang economic team ngayong umaga sa Malacañang.

Inaasahang tatalakayin sa pulong ang mga hakbang ng administrasyon para manatiling matatag ang ekonomiya ng Pilipinas.


Target din kasi ng economic team na maabot ang “Agenda for Prosperity” para sa Pilipinas bago matapos ang administrasyong Marcos.

Partikular sa pinulong ni Pangulong Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance, at National Economic Development Authority (NEDA).

Matapos nito ay nakatakda namang humarap ang NEDA sa media para ibigay ang iba pang detalye ng kanilang pagpupulong.

Facebook Comments