PBBM: PNP, hindi dapat makampante kahit pa bumaba ang crime rate sa bansa

Hindi dapat makampante ang Philippine National Police (PNP) kahit pa bumaba ang naitalang krimen sa bansa sa nakalipas na dalawang taon.

Ito ang bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 55 bagong heneral PNP.

Ayon kay Pangulong Marcos, marami pang dapat na gawin kahit pa tuloy-tuloy ang pagbaba ng crime index sa nakalipas na dalawang buwan ng 2024.


Samantala, ikinatuwa rin ng pangulo ang pagbaba ng insidente ng paglabag sa karapatang pantao sa loob ng nakalipas na dalawang taon.

Patunay aniya ito na umiiral ang demokrasya sa bansa kaya dapat na huwag maging tiwala sa lahat ng pagkakataon.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, bumaba ang mga kaso ng pagnanakaw, carnapping, rape at physical injury kumpara noong 2023, at nagawa ng hindi kailangang baliktarin ang batas.

Gayunpaman, dapat maging alerto pa rin ang PNP sa lahat ng pagkakataon at tumugon sa mga hindi inaasahang sitwasyon para maging panatag ang publiko.

Facebook Comments