Pumalag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pinakahuling tirada sa kaniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na namamasyal lang umano siya sa kaniyang biyahe sa ibang bansa.
Sa press conference sa Berlin, tinawanan ng pangulo ang hirit ni Duterte na puro pasyal lang umano sya.
Sabay naman niyang iwinasiwas ang schedule niya at sinabing hindi siya nagpunta sa Germany para pumasyal lang.
Ayon kay Pangulong Marcos, wala siyang panahon mamasyal lalo’t abala siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Samantala, tumanggi namang magkomento ang pangulo sa sinabi ni Duterte na ginagamit niya lang ang Charter change para palawigin ang kaniyang termino.
Naguguluhan aniya siya sa pabago-bagong pahayag ni Duterte kung kaya’t susuriin muna niya itong mabuti.
Facebook Comments