Isang linggo bago ang midterm elections, puspusan na ang pangangampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang mga ini-endorsong kandidato.

Ngayong araw ay biyaheng Cebu si Pangulong Marcos para sa One Cebu Rally kasabay ng pagpapakilala rin sa Senatorial bets ng administrasyon sa Dumanjug Sports Complex (Mega Dome).

Matatandaang nitong Biyernes ay nasa Lucena, Quezon ang pangulo para i-endorso ang kaniyang mga kandidato habang sinamahan din nito ang Alyansa sa Batangas nitong Sabado.

Samantala, nanatili pa ring parte ng Alyansa si Representative Camille Villar sa kabila ng imbestigasyon ng pamahalaan sa kontrobersyal na PrimeWater.

Pero sa campaign rally sa Quezon at Batangas, hindi dumalo ang kongresista.

Hindi rin binanggit ni Pangulong Marcos ang pangalan ni Villar sa kaniyang talumpati sa Batangas.

Facebook Comments