PBBM, pwedeng magpatawag ng bicam kahit adjourned na ang session

Posible pa rin na magpatawag ng bicam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit adjourned na ang session para sa Christmas break.

Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, pwedeng huwag nang mag-holiday ang mga mambabatas at maaaring magkasundo ang dalawang kapulungan na magdaos ng special session at mag-overtime sila para maiayos ang mga kinukwestyong items sa budget.

Punto ni Pimentel, hindi naman kailangang sundin na December 31 ay dapat pirmado na ng Pangulo ang budget dahil kahit sa susunod na taon ay maaari pa ring ayusin ang 2025 national budget.


Giit pa ng mambabatas, samantalahin ang pag-defer ng Pangulo sa paglagda sa budget at dapat ayusin muna ito kaysa pilitin ang isang pambansang pondo na inaangalan ng publiko.

Ilan naman sa mga contentious item sa budget para kay Pimentel ay ang mas malaking pondo sa imprastraktura kumpara sa edukasyon at ikalawa ay ang pagbaba ng programmed funds sa unprogrammed appropriations na mahalagang maipaliwanag ng bicam na siyang nag-apruba nito.

Facebook Comments