PBBM, ramdam ang galit ng mga negosyante sa korapsyon

Ramdam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sentimyento ng mga negosyante sa patuloy na korapsyon sa gobyerno.

Tugon ito ng Malacañang sa panawagan ng mga business group na agarang aksyunan ang malawakang katiwalian sa mga flood control at infrastructure projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kumikilos na ang pangulo upang tugunan ang problema.

Kabilang dito ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) para magsagawa ng masusing imbestigasyon sa mga umano’y anomalya.

Dagdag pa ni Castro, naglabas na rin ng mga Immigration Lookout Bulletin Orders (ILBO) at asset freeze laban sa mga sangkot, kabilang ang rekomendasyong kasuhan si dating Rep. Zaldy Co.

Facebook Comments