Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang mababago sa relasyon ng Pilipinas at US kahit pa muling mahalal na pangulo ng Amerika si Donald Trump sa Nobyembre.
Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang mapapanatiling balanse ang foreign policy hangga’t nananatiling tapat sa mga kasunduan ang Pilipinas at US.
Bagama’t posible aniyang magkaroon ng ilang pagbabago pero hindi naman nito gaanong maaapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa bilang treaty allies.
Nabatid na sa November 2024, ay muling magtatapatan sa pagkapangulo ng Amerika sina Donald Trump at US President Joe Biden.
Facebook Comments