
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong halal na local at national officials kasunod ng pormal na pagsisimula sa kanilang tungkulin nitong nagdaang linggo.
Sa kaniyang vlog, iginiit ng Pangulo na ngayong tapos na ang pulitika ay dapat nang harapin at tutukan ng mga opisyal ang serbisyo publiko.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang malaking papel ng mga lokal na pamahalaan para maihatid ang mga programa at serbisyo ng national government sa taumbayan.
Isa sa mga halimbawa nito ay ang implementasyon ng mga programa sa pagkain at agrikultura, na layong tiyakin ang sapat at abot-kayang pagkain para sa bawat Pilipino.
Giit ng Pangulo sa mga opisyal, simulan na ang aksyon dahil marami-rami aniyang trabahong ang dapat na pagtulungan.









