PBBM, sasabak sa dalawang aktibidad ngayong umaga

Dalawang aktibidad ngayong umaga ang nakalinyang daluhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa araw na ito.

Unang pupuntahan ng Punong Ehekutibo ang Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.

Ito’y upang pangunahan ang groundbreaking ng Ciudad Kaunlaran Project Phase 2 at turnover ng may 3 daan at 60 housing units.


Gagawin ito sa Ciudad Kaunlaran, Barangay Molino 2 sa lungsod ng Bacoor sa Cavite ngayong alas-9:00 ng umaga.

Pagkagaling ng Cavite ay agad na babalik ang pangulo sa Maynila para naman sa kanyang ikalawang aktibidad.

Ito ay ang gagawing pangunguna sa ika-73 na anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gagawin sa Central Office ng ahensiya sa Batasan Pambansa Complex, lungsod ng Quezon.

Facebook Comments