Sisimulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang taong 2025 sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications acting Secretary Cesar Chavez, sa Bahay Pangulo magbabagong taon ang si Pangulong Marcos kasama ang First Family.
Ang Bahay Pangulo ay matatagpuan sa Malacañang Park at malapit lamang sa Malacañang Palace.
Matatandaang nitong Pasko ay sa Baguio namalagi ang First Family na nagsilbi na ring maikling break ng pangulo matapos na sumabak sa sunod-sunod na trabaho.
Partikular dito ang puspusang pagbusisi General Appropriations Act o pambansang budget para sa 2025 na nilagdaan niya kahapon.
Samantala, inaasahan naman na muling magiging abala si Pangulong Marcos sa kaliwa’t kanang aktibidad matapos ang pagsalubong Bagong Taon.
Facebook Comments